(Photo courtesy of PHIVOLCS-DOST)
Patuloy sa dahan-dahang pagbubuga ng lava ang bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Sabado, Hulyo 24, ang dahan-dahang paglabas ng lava mula sa crater ng Mayon ay nagpupuno sa Mi-isi, Basud, at Bongw gullies.
Nanatili sa 2.8 kilometro mula sa bunganga ng buklan ang pagdaloy ng lava sa Mi-isi gully habang nasa 600 metro naman ang agos ng lava sa Basud gully. Nadagdagan naman ang lava na umaagos sa Bonga gully at umabot ito sa 2.7 kilometro.
“Rockfall and pyroclastic density currents or PDCs generated by collapses of the lava flow margins as well as of the summit dome deposited debris still within four (4) kilometers of the crater,” pahayag ng Phivolcs.
Dakong 7:56 ng gabi nitong Biyernes, Hulyo 21, nang namataan ang pagbulwak ng lava, na tumagal ng 28 segundo, sa bunganga ng bulkan na sinabayan din ng seismic at infrasound signals.
Nakapagtala rin ang Phivolcs ng 22 low frequency volcanic earthquakes kasama ang isang mabilis na paglabas ng lava at ashfall.
Bukod dito, mayroon ding apat na pyroclastic density current (PDC) at 175 rockfall events na naitala ng Mayon Volcano Network.
Umabot na rin sa 1,758 tonelada ng volcanic sulfur dioxide ang iniluwa ng bulkan noong Biyernes.
“Alert Level 3 is maintained over Mayon Volcano, which means that it is currently in a relatively high level of unrest and hazardous eruption within weeks or even days could still be possible,” paliwanag ng Phivolcs.
—Baronesa Reyes
[…] rin ng localized assessment sa Albay dahil lalo pang pinahirap ang sitwasyon sa lugar dahil sa paga-alburuto ng bulkang Mayon kung saan may banta rin ng panganib dahil sa posibleng pagragasa ng […]