Inihayag ni Sen. Raffy Tulfo sa kanyang press conference ngayong Huwebes, Pebrero 12, na hihingian niya ng pruweba ang Aleson Shipping Lines bilang patunay na nagbabayad ito sa mga survivor ng lumubog na M/V Trisha Kerstin 3.
“We have to talk again du’n sa Aleson, tingnan ko ‘yung mga papers kung talagang totoo ‘yung mga sinasabi nila, to prove to us, na nagbabayad sila,” saad ni Tulfo.
“Sabi nila nagbabayad sila, millions na daw nagagastos nila so they have to show proof. Hindi lang pwede ‘yung laway-laway lang,” ani Sen. Raffy.
“Kailangan magpakita sila ng ebidensya kasi so far marami sa mga survivors, relatives ng victims, nagsasabi na mabagal daw sa pagbigay ng tulong ang Aleson,” dagdag niya.
Hihingiin umano ang ebidensya sa susunod na pagdinig ng Senate Committee on Public Services tungkol sa naganap na insidente.
Ulat ni Ansherina Baes
