Inanunsyo ng The Miss Philippines na bubuksan nila ang kanilang mga pintuan para sa mga ina at mga kababaihang may asawa para sumali sa inaugural pageant nito ngayong taon.
Sa official Facebook account nito, sinabi ng The Miss Philippines na ang pangarap ng mga nanay at mga babaeng may asawa na maging beauty queen ay maaabot sa pamamagitan ng kanilang pageant.
“Single, married, or a mother — you are a Queen. And you are welcome to join The Miss Philippines!” idineklara ng pageant.
“You don’t have to give up your dreams of joining a pageant yet because we believe that mothers and married women can be as effective as single women at being influencers and advocates of Philippine Culture and Heritage.”
Inanunsiyo rin ng event organizers na may screening sa Setyembre 9, 11 a.m. sa Enderun Coworking Estancia sa Pasig City.
Inihayag ng The Miss Philippines, sa ilalim ng Miss Universe Philippines Organization, na magiging “not the usual type of pageant” ito dahil aalisin nila ang swimsuit competition.
Ang The Miss Philippines ay ang bagong special categories tulad ng “Miss Charm” at “Miss Supranational.”
[…] Ang ginawang anunsiyo ng MUO ay nangyari matapos ihayag ng mga organizers ng The Miss Philippines na tumatanggap na ito ng mga kababaihan na may anak o kaya’y may asawa na subalit naghahangad pa ring rumampa sa mga beauty contest. ( The Miss Philippines pageant: Bukas sa mga moms, married ladies – Pilipinas Today) […]