Maaari umanong ikonsidera ng pamahalaan ang pagpapatupad ng four-day work week upang mabawasan ang pagkonsumo ng energy reserve ng bansa.

“Sa ngayon po ay maaaring pag-aralan po ng Pangulo ang ganyang suhestiyon, lalo na kung magiging malala pa po ang nangyayaring Israel-Iran issue,” saad ni PCO Usec. Claire Castro.

Ayon kay Castro, maaaring ikonsidera ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naturang suhestiyon, lalo na kung patuloy na lalala ang krisis sa Middle East.

Matatandaang inirekomenda ni Sen. Sherwin Gatchalian nitong Martes, Marso 3, na gawing apat na araw na lang ang onsite jobs, habang gawing work-from-home naman ang isang araw bilang bahagi ng pagtitipid ng energy reserves ng bansa.

Ulat ni Bea Tanierla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *