(Photo Courtesy by Maritime Police)

Inatasan ni Mariveles, Bataan Mayor Ace Jello Concepcion ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Joining Force Maritime Police na maging alerto at handa para masiguro ang kaligtasan ng mga kababayan laban sa banta ng bagyong ‘Egay.’

Nauna rito, kinansela ng Malacanang ang pasok sa lahat ng antas sa mga paaralan maging pasok sa gobyerno.

Nagpalabas din ng kautusan si Gov. Joet Garcia sa pagkansela ng mga ito sa buong Bataan.

Sinabi ni Concepcion na nakaantabay ang puwersa ng lokal na pamahalaan kahit na sinuspinde ang pasok sa tanggapan ngayong araw.

Imo-monitor din umano niya ang kaganapan sngayong Martes, Hulyo 25, upang makapagsagawa ng kaukulang aksyon sa mga pangangailangan.

—Ryan Jorge