Bench employees in Hong Kong Disneyland

Dinala ng founder Bench na si Ben Chan ang 475 sa kanyang “loyal employees” sa Hong Kong Disneyland kasabay ng pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng top Pinoy clothing brand.

“Grateful beyond for words for the incredible journey with my Bench family. Our 475 loyal employees are the heart of this celebration as we embrace the magic of HK Disneyland,” caption sa Instagram post ni Chan.

Bumati naman ang hosts na sina Kim Atienza, Amy Perez-Castillo, at Christine Bersola-Babao kay Chan kaugnay ng anibersaryo ng kumpanya, habang pinupuri ang generosity ng negosyante.

“Sama ako,” komento naman ng Kapuso actor na si David Licauco, isa sa Bench ambassadors, sa post ni Chan.

Kamakailan, nag-organisa ang fashion brand ng fan meet ng Korean stars na sina Wi Ha-jun at Kim Seon-ho, at ng K-pop group na ITZY sa Pilipinas.

Kabilang din sa global ambassadors ng Bench ang isa pang K-Pop group na Enhyphen.

One thought on “BENCH: 475 employees, ipinasyal sa Disneyland”

Comments are closed.