Sinimulan na ng Philippine Coast Guard ang pinaigting na air and search search operation para sa apat na mangingisda na naiulat na nawawala simula pa noong Lunes, Pebrero 9 sa karagatan ng Lubang at Ambil Island sa Occidental Mindoro.
Kinilala ng PCG authorities ang apat na nawawalang mangingisda na sina as Rolando Ularte, 62-anyos; Rodolfo Ularte, 59; Geoffrey Buenaventura, 30; at Mark Julian Dones, 30, pawang mga residente ng Brgy. Luyahan, Lian, Batangas.
Ang apat ay lulan ng M/B MJ2 na pinturang berde at pula, at serial number SSEN Number STL-BAT-030525-015602.
Ayon pa sa PCG huling nakatanggap sito ng distress report tungkol sa mga nawawalang mangingisda dakong alas-3 ng hapon noong Lunes.
Pumalaot ang apat mula Lian dakong alas-4 ng hapon noong Pebrero 8 at inaasahang babalik sa kanilang bahay alas-7 ng umaga kinabukasan subalit hindi ito nangyari.
