Buo ang loob ni Atty. Gilbert Andres, isa sa common legal representatives ng mga biktima ng drug war campaign, na nakapagpakita ng sapat ng ebidensya ang prosecution panel upang patunayang may “substantial grounds” sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at makumpirma ang mga sakdal laban sa kanya.

“I think more than enough to show that there are substantial grounds to believe na Mr. Duterte committed the crimes charged,” saad ni Andres.

Ayon kay Andres, nailahad ng prosecution kung ano ang naging epekto ng drug war at mga ebidensya kaugnay dito, “pinakita din namin kung ano ba ‘yung mga ebidensya pang nagpapatunay na si Mr. Duterte nga ay responsable du’n.”

Idinagdag niya rin na naipakita sa confirmation of charges hearing kung ano mga kalagayan ng biktima noong nangyayari ang drug war campaign ni Digong.

“Ang dami nilang mga ni-reference, no less than the statements himself of the suspect… siya po ‘yung exhibit A ng mga ebidensya po,” ani Andres sa isang panayam sa kanya ng GMA News ngayong Martes, Pebrero 24.

Samantala, magpapatuloy ang confirmation of charges hearing ni Digong sa Huwebes, Pebrero 26 hanggang 27 kung saan nakatakdang iprisenta ng defense panel ang kanilang submission sa merito ng kaso ni dating Pangulong Duterte.

Ulat ni Jilliane Libunao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *