Sa panahon ngayon ng mga “woke,” kung saan lantaran na ang pakikipaglaban sa diskriminasyon para sa inclusivity at pantay-pantay na oportunidad sa lugar ng trabaho, tahimik lang ang Bench fashion brand sa tuluy-tuloy na pagtanggap ng mga persons with disability (PWDs) at senior citizens bilang empleyado nito—simula pa noong 1999.
Sa inisyatibong ito ng Bench, nabibigyang-diin ang pagbibigay oportunidad sa lahat ng manggagawa, anuman ang pinagmulan, kasarian, edad, estado sa buhay, at sitwasyong pisikal.
Ito ay inclusivity na hindi lamang tungkol sa image-making o pagsunod sa trend ng industriya, kundi isang tapat na prinsipyong pinaninindigan ng kumpanya sa nakalipas na 24 na taon.
Tinatawag na Prime Team, ang konsepto ay galing mismo sa founder at executive creative director ng Bench na si Ben Chan, at nabuo sa panahon ng Christmas holidays taong 1999.
Ang pangangailangan na magkaroon ng dagdag na mga empleyado sa kasagsagan ng holiday rush para sa kanilang regular na sales crew ay naresolba sa suggestion ni Chan na mag-hire ang Bench ng mga” taong may differently abled, silang mga pipi at bingi at nakatatanda, upang mabigyan ang mga ito ng pagkakataon na maging produktibong miyembro ng lipunan.
Sa panayam ng The Philippine Star noong Hulyo 2020, sinabi ng Suyen Corporation, ang parent firm ng Bench, na ang pagtatanggap sa Prime Team ay higit pa sa pagbibigay sa mga ito ng regular na pagkakakitaan, kundi source rin ng pag-aangat nila ng pagpapahalaga sa kanilang sarili, na nagbubunsod upang mapagtagumpayan nila ang anumang pag-aalinlangan na dulot ng kanilang edad o kapansanan.
Wala naman daw nagiging problema sa komunikasyon sa pagitan ng Prime Team na nasa store at ng mga customers.
“Despite my disability, I am able to communicate well with co-workers, customers and superiors. Working at Bench taught me that I can follow the company’s standard operating procedure and provide good service just like normal people,” sa pamamagitan ng sign language ay sinabi ni Louie Dulay, deaf mute na bahagi ng sales crew ng Bench Glorietta.
Nang tanungin kung sa tingin niya ay mayroon siyang advantage, sa kabila ng kanyang kapansanan, sagot ni John Ryan Mendigorin Cruz, miyembro ng Prime Team sa Bench Megamall: “Bench is my advantage! I was given a second life by Bench. Because of this second chance it made me wholeheartedly committed to my job and to this globally competitive company for 10 years, and that is my greatest strength.”
Sa ngayon, may 31 empleyado ang buong pagmamalaki na nakasuot ng Prime Team badge sa 23 Bench stores, 25 sa kanila ay deaf mute, dalawa ang mahigit 60 anyos, bukod pa sa apat na tauhan sa Bench warehouse.
[…] tinatanggap ng BENCH bilang mga regular na empleyado ang persons with disabilities (PWDs) at senior citizens simula […]