Inanunsiyo ng Miss Universe Organization (MUO) ngayong Miyerkules, Setyembre 13, na inalis nito ang age limit sa lahat ng Miss Universe at mga kaakibat nitong pageant.
Sa mahigit 70 taong kasaysayan nito, pinayagan lamang ng MUO ang mga kababaihang nasa pagitan ng 18 hanggang 28 na lumahok sa kompetisyon.
Sa pagtanggal ng limitasyon sa edad, kahit na ang mga babaeng may edad 29 pataas ay maaaring lumaban sa pageant. “Simula noon, ang bawat nasa hustong gulang sa mundo ay magiging karapat-dapat na sumali sa Miss Universe,” sabi ng organisasyon.
Idinagdag nila na ang mga pagbabago ay ilalapat sa kanilang mga pageant sa buong mundo simula 2024.
Ang ginawang anunsiyo ng MUO ay nangyari matapos ihayag ng mga organizers ng The Miss Philippines na tumatanggap na ito ng mga kababaihan na may anak o kaya’y may asawa na subalit naghahangad pa ring rumampa sa mga beauty contest. ( The Miss Philippines pageant: Bukas sa mga moms, married ladies – Pilipinas Today)
Makikita sa kanilang story sa Instagram