“Signs of desperation” na umano ang mga ipinapakalat na alegasyon na tumanggap ang mga kongresista ng male-maletang pera mula sa isang dating mambabatas, ayon kay Mamamayang Liberal (ML) Rep. Leila De Lima.
“Ako ‘yung endorser ng dalawang complaint [vs. VP Sara Duterte], so very, highly suspicious ‘yung timing na ‘yan. Talagang foul. Nahaharap sa ICC ‘yung ama, and ‘yung anak sa impeachment. So, para sa akin, signs of desperation itong clear demolition job na ito,” saad ni de Lima.
Sa panayam ng Super Radyo DZBB ngayong Huwebes, Pebrero 26, binigyang-diin ni De Lima, isa sa mga diumano’y nakatanggap ng pera, na “highly suspicious” ang timing ng pagbubunyag ng mga alegasyon laban sa kanya at sa iba pang mambabatas.
“Parang continuation ito ng pinaggagawa nila sa akin noon. Another round of demolition job, another round of black propaganda. Sobrang paninira nila sa akin, ‘yung mga peke nilang testimonya. Hindi na sila nagsawa sa kakapanira sa akin,” aniya.
“Alam nila na madi-distract din ang attention ng mga tao, at baka may mga maniwala. Alam niyo naman na may mga gullible sa ganyang nakakatawang kwento,” dagdag pa ni De Lima.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome
