Pinangunahan ni Sen. JV Ejercito at celebrity riders na sina Kim Atienza at Jay Taruc ang pagsasagawa ng “Make Marilaque Safe Again” ride nitong nakaraang weekend na nagsusulong ng mahigpit na pagpapatupad ng traffic regulations sa tinaguriang “Killer Highway” kung saan dumarami ang aksidente na kinasangkutan ng mga naka-motorsiklo.
“Panahon nang ayusin natin ’to. Mas mainam na respetuhin natin ang lugar at mga residente, at i-promote natin ang Marilaque bilang isang safe riding destination na may masarap na coffee pop-ups at iba pa,” sabi ni Ejercito.
“Alam naman natin na Marilaque is one of the best places to ride. Maayos ang kalsada, presko ang hangin, at walang katulad ang view ng Sierra Madre,” sabi ng senador sa kanyang post sa social media.
“But in recent years Marilaque has gotten a bad rep dahil sa iilang pasaway na ginagawa itong race track, at mistulang playground para sa stunts para mag-viral,” dagdag ni Sen. JV.
Nanawagan din ang mambabatas sa mga rider na pairalin ang disiplina imbes na kayabangan na madalas na natutuloy sa sakuna.
“Panahon nang ayusin natin ’to. Mas mainam na respetuhin natin ang lugar at mga residente, at i-promote natin ang Marilaque bilang isang safe riding destination na may masarap na coffee pop-ups at iba pa. Makakatulong pa tayo sa small businesses sa area!” giit niya.