Ipaprayoridad mula ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang territorial defense sa 2025 bilang tugon sa direktiba ni DND Secretary Gilbert Teodoro noong Biyernes, Enero 3.

Sa New Year’s Call sa Camp Aguinaldo sa Quezon City noong Biyernes, Enero 3, hinimok ni Teodoro ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na manatiling matatag sa pangangalaga sa soberenya ng bansa sa kabila ng malalaking hamon na kinahaharap nito.

“Every life is precious, and ‘no one left behind’ is our commitment—not only to our people but also to our international commitments,” ani Teodoro.

Pinasalamatan din ng kalihim ang mga kaalyado ng Pilipinas sa kanilang suporta sa pagtataguyod ng sovereign rights ng bansa sa ilalim ng international law.

Samantala, inilatag ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga prayoridad ng militar para sa 2025, kabilang ang modernisasyon ng sandatahang lakas, pagpapahusay ng mga kakayahan sa depensa, at pagtatatag ng malakas na presensya sa mga strategic area ng bansa.

“We will enhance our naval, aerial, ground, air defense, and cyber capabilities to protect our resources and ensure the security of our waters, always adhering to international law,” sabi ni Brawner.

Ulat ni Ashley Nicole Ulep

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *