Nakauwi na sa Pilipinas ang 190 overseas Filipino workers (OFWs) na nabiktima ng human trafficking sa Cambodia, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, dumating ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 bandang 4:20 ng umaga noong Huwebes, Pebrero 5.

Dapat umano ay 191 na OFWs ang dadating ngunit may isang babae na naiwan sa Phnom Penh sa Cambodia para sa medical treatment, kasama si Ambassador Flerida Ann Camille Mayo at team nito, upang i-monitor ang kondisyon ng babae.

Inihayag ni DMW Assistant Secretary Venecio Legaspi na sumailalim ang babae sa dialysis matapos lumala ang kondisyong medikal nito habang nasa Cambodia.

Samantala, ang grupong nakauwi ngayong araw ay binubuo ng 95 lalaki at 95 babae na na-rescue mula sa Pailin, Koh Kong, Mondulkiri, Svay Rieng, Siem Reap, at karamihan mula sa Phnom Penh.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *