Hindi nilulubayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang China Coast Guard (CCG) vessel 5901, na tinaguriang “Monster Ship” na halos dumikit na sa isla ng Zambales simula nang pumasok ito sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas nitong Sabado, Enero 4.
“We have deployed our Coast Guard helicopter so we can extensively monitor the movement nito ng PCG…na walang itong maha-harass na Pinoy fishermen,” sabi ni PCG spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela.
Unang natunugan ng PCG authorities ang pamamalagi ng CCG vessel 5901 sa tulong ng Dark Vessel Detection System ng Canada sa layong 54 nautical miles mula Capones Island sa Zambales.
Ayon kay Tarriela, gumalaw nito malapit sa Lubang Island sa Mindoro ngayong Lunes, Enero 6.
“Whenever we challenge them, we remind them that this is our exclusive economic zone,” sabi ni Tarriela sa panayam sa radyo.
Tiniyak ng opisyal na patuloy na binubuntutan ng BRP Cabra (MRRV-4409) at isang helicopter ng PCG upang idokumento ang panghihimasok ng Chinese ‘Monster Ship’ bukod pa sa pagmomonitor sa mga aktibidad nito sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.