Bagaman binansagang “fake news” ang mga social media post tungkol sa Human Metapneumovirus (HMPV) outbreak sa China, hiniling ni Senate Majority Leader Francis Tolentino sa Department of Health (DOH) na gawin ang lahat upang pataasin ang kamalayan ng publiko sa gitna ng patuloy na pagkalat ng unverified news sa iba’t ibang health concerns.

“It is important that our people get their information from the DOH and medical experts, rather than social media posts based on unreliable sources. The DOH must always be a step ahead in matters concerning public health,” sabi ni Tolentino.

“The DOH must always be a step ahead in matters concerning public health in order to prevent the spread of wrong information, which sometimes can be as dangerous as a disease outbreak itself,” sinabi ni Tolentino.

Ayon sa abogadong senador, habang wala pang malinaw na pahayag mula sa World Health Organization (WHO) ukol sa HMPV, mahalagang kumilos na ang DOH sa pamamagitan ng maayos at epektibong information drive.

Binanggit din niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga epektibong hakbang para mapigilan ang anumang posibleng outbreak sa bansa.

Ulat ni Julian Bartolome

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *