Sinimulan na ang mass layoff sa mga pangunahing US health agencies sa simula ng “sweeping and scientifically contested restructuring” ng Trump administration na magbabawas ng nasa 10,000 trabaho.
Ayon kay US Health Secretary Robert F. Kennedy Jr., ang mass layoff sa mga pangunahing US health agencies na sinimulan nitong Martes, Abril 1, ay bahagi ng major reform ng kagawaran “to refocus efforts” sa chronic disease prevention.
Ibinahagi naman ng kalihim ang kanyang simpatiya sa mga nawalan ng trabaho at sinabing: “our hearts go out to those who have lost their jobs” at tinawag itong “a difficult moment for all of us.”
“But the reality is clear: what we’ve been doing isn’t working… Americans are getting sicker every year,” ani Kennedy sa kabila umano ng tumataas na paggastos ng federal agencies na gumagabay sa US health policy.
Samantala, batay sa mga larawan at testimonya ng ibinahagi sa social media, nalaman lamang umano ng mga empleyado ng mga pangunahing ahensiya na natanggal na sila sa kanilang trabaho nitong Martes ng umaga sa pamamagitan ng isang email o nang hindi gumana ang kanilang mga access badges nang pumasok sila sa trabaho.
Naapektuhan ng layoffs ang mga ahensiya kabilang ang Department of Health and Human Services (HHS), at ilang federal agencies sa ilalim nito kabilang ang U.S. Food and Drug Administration (FDA), Centers for Disease Control and Prevention (CDC), at National Institutes of Health (NIH).
“The FDA as we’ve known it is finished, with most of the leaders with institutional knowledge and a deep understanding of product development and safety no longer employed,” saad ni Robert Califf, dating FDA commissioner sa ilalim ng administrasyon nina Obama at Biden.
Ulat ni Ansherina Baes