Gamit ang sariling pondo, nagawang makapamahagi ng billionaire-philanthropist na si Leandro Legarda Leviste ng Noche Buena packs sa mahigit 300,000 pamilya sa Batangas 1st District, bukod pa sa lampas 30,000 bahay na nasira ng bagyo ang naipaayos ang bubong dahil sa bigay niyang mga yero.

Kakaiba ang naging Pasko ng mga taga-unang distrito ng Batangas ngayong taon dahil sa mga tulong at regaling tinanggap nila sa kabutihang loob ng youngest Filipino self-made billionaire-philanthropist na si Leandro.

Sa pamamagitan ng foundation ni Leviste, ang Lingkod Legarda Leviste, personal na nakapamahagi ang 31-anyos na negosyante ng Noche Buena packs sa mahigit 300,000 pamilya sa mga bayan ng Nasugbu, Lian, Calatagan, Tuy, Balayan, Calaca, Lemery, at Taal sa Batangas.

Nauna rito, nagkaloob din si Leviste ng libreng yero sa mga residente para makumpuni ang bubong ng lampas 30,000 bahay na sinira ng magkakasunod na bagyo sa nakalipas na mga buwan.

Sa pamamagitan din ni Leviste, idinaos sa Nasugbu noong nakaraang linggo ang pinakamalaking concert sa Batangas, ang ‘Paskong Todo-Todo sa Unang Distrito,’ na tinampukan nina Toni at Alex Gonzaga, Andrea Brillantes, Flow G, at ng Parokya Ni Edgar.

“Sisikapin po namin na sa darating na taon, tayo ay maghahatid ng mas todong saya at matatag na suporta para sa ikauunlad ng Unang Distrito,” sabi ni Leviste, anak ni Senator Loren Legarda at ni dating Batangas governor Antonio Leviste.

https://www.facebook.com/lingkodlegardaleviste/posts/pfbid0uVw77EewXTXKiBPg9qkXLEWY4BA1GQWPToZho4Lmee9cq15WvBnnH8ZN9UhneE2al

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *