Makatatanggap na ang mga kawani ng gobyerno ng P7,000 medical allowance matapos aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga alituntunin para sa pamamahagi nito ngayong 2025.
“Matagal ko na pong pangarap ito para sa ating mga kababayan. Pagpasok po ng 2025, maaari na po silang makatanggap ng medical allowance para makatulong sa pagkuha nila ng HMO para sa kanilang health-related expenses o gastusin,” sabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman.
Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang Budget Circular 2024-6 na magiging pamantayan sa pagpapatupad ng batas at regulasyon sa pamamamahagi ng medical allowance sa mga government employees.
“This is a promise fulfilled,” sabi ni Pangandaman sa inilabas na statement ngayong Huwebes, Enero 2.
Ang taunang medical allowance ay ipamamahagi sa mga kuwalipikadong civilian government personnel bilang subsidiya sa kanilang mga natatanggap mula sa health maintenance organization (HMO).