Magkakaroon ng mas malaking kaltas sa sahod ang mga private sector workers para sa Social Security System (SSS) simula Enero 1, 2025, alinsunod sa Social Security Act of 2018.

Nasa 15 porsyento na ang contribution rate ng mga private sector workers sa SSS simula nitong Miyerkules, Enero 1, alinsunod sa Social Security Act of 2018 na nilagdaan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Naapektuhan ng nasabing pagtaas ng SSS contribution rate ang business employers at employees, household employers at kasambahay, self-employed na indibidwal, voluntary at non-working spouse members, at mga land-based overseas Filipino worker (OFW) na miyembro ng ahensiya.

Dahil pagtaas ng SSS contribution rates, nasa P5,000 na ang minimum Monthly Salary Credit (MSC) ng business employers at employees, self-employed na indibidwal, voluntary at non-working spouse members habang nasa P20,000 naman ang maximum MSC nito.

Tataas naman sa P1,000 ang minimum MSC ng mga household workers at kasambahay habang nasa P20,000 din ang maximum MSC ng mga ito.

Nasa P8,000 naman ang minimum MSC ng land-based OFW members habang nananatili sa P20,000 ang maximum MSC ng mga ito.

Samantala, kailangang ayusin ng mga miyembrong maagang nagbigay ng kontribusyon sa SSS para sa Enero 2025 at iba pang underpayment alinsunod sa bagong minimum MSC.

Ididirekta naman sa Mandatory Provident Fund (MPF) Program ang mga kontribusyon sa MSC na mula P20,000 hanggang P35,000 kasama ang mga benepisyo batay sa total accumulated value kabilang ang kontribusyon ang net investment income.

Ulat ni Ansherina Baes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *