Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantala nitong papayagan ang provincial buses na dumaan sa EDSA mula alas-10 ng gabi sa Huwebes, Oktubre 30 hanggang alas-5 ng umaga sa Lunes, Nobyembre 3, 2025.

Ayon sa MMDA, ito ay bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasaherong uuwi para sa Undas ngayong weekend.

Maaaring huminto ang mga galing North Luzon sa Cubao terminals, habang hanggang PITX at Pasay naman ang mga galing South Luzon.

Bahagi ito ng Oplan Undas 2025 na ikinasa ng ahensiya upang mapabilis ang biyahe at turnover ng mga bus.