Bilang tradisyon tuwing Kapaskuhan at Bagong Taon, muling sususpendihin ng San Miguel Corporation (SMC) ang paniningil nito sa mga motorista na gumagamit ng tollway infrastructure nito kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Pasko at Bagong Taon.

“This is our way of saying thank you to everyone who uses the expressways we operate. It’s something we look forward to every year because it helps thousands of motorists get home to their families a little easier, especially during Christmas and New Year,” ayon kay SMC Chairman Ramon S. Ang.

Sa anunsiyo ng SMC ngayong Biyernes, Disyembre 20, sinabi ng kumpanya na ang suspension of toll fee collection ay ipapatupad sa mga imprastraktura na pag-aari nito na kinabibilangan ng Skyway System, NAIA Expressway (NAIAX), South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Ang “no toll fee collection” ay ipatutupad simula alas-10 ng gabi ng Disyembre 24 hanggang alas-6 ng umaga ng Disyembre 25, 2024; at alas-10 ng gabi ng Disyembre 31 hanggang ala-6 ng umaga ng Enero 1, 2025.

Sa kabila nito, magtatalaga pa rin ang SMC ng patrollers at security personnel sa mga kritikal na lugar habang nagpapatuloy ang operasyon ng mga traffic monitoring centers.

Tiniyak din ng kumpanya na nakahanda ang mga tow trucks at iba pang emergency vehicles upang tumulong sa mga motorista magkakaaberya nitong holiday season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *