(Photo courtesy by CCTV of MMDA)
Epektibo kahapon, Agosto 1, pagmumultahin na ng mga enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng P1,000 ang bawat motorcycle rider na sumisilong sa mga footbridge, MRT structures at flyover tuwing umuulan na nagiging sanhi ng pagbabara ng trapiko.
Ayon sa memorandum ni Atty. Victor Maria D. Nunez ng Traffic Discipline Office (TDO) ng MMDA na may petsang Hulyo 26, binigyang-diin nito ang bawal ang tumambay ang mga naka-motorsiklo sa ilalim ng flyover, MRT at footbridge, tuwing malakas ang ulan.
Una nang sinabi ni Nuñez na may batas naman talagang umiiral kaugnay sa mga traffic obstruction.
Gayunman, sinabi ni Nuñez na bibigyan naman ang mga nakamotorsiklo na tumigil nang saglit sa nabanggit na mga istraktura para makapagsuot ng rain gear subalit kailangang umalis din agad sila pagkatapos na makapagpalit.
Samantala, pagmumultahin din ng MMDA ang mga rider na walang bitbit na kapote ngunit sisilong din sa flyover, MRT at footbridges.