Nagsimula nang ipatupad ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang bagong singil nito sa pasahe sa LRT-Line 1 ngayong Miyerkules, Agosto 2.

Ang boarding fare ay tataas na sa P13.29, kasama ang distance fare na P1.21 bawat kilometro, mula sa kasalukuyang boarding fare na P11, at distance fare na P1 kada kilometro.

—Larawan at teksto ni Mores Heramis