Sa kanyang pagharap sa House Quad Committee hearing ngayong Huwebes, Setyembre 19, sinabi ni dating Iloilo City mayor Jed Patrick Mabilog na hindi siya makapaniwala sa malawak na ‘conspiracy’ na niluto diumano ng mga tauhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang idawit siya at iba pang political personalities sa ilegal na droga bago siya tumakas sa Estados Unidos noong Agosto 2017.

“If you go to Camp Crame, you will be forced to point fingers to an opposition senator and a former presidential candidate as drug lords,” pahayag ni Mabilog.

“The weight of the conspiracy against me was unbearable,” saadi ni Mabilog.

Aniya, maging ang noo’y Philippine National Police (PNP) chief Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa ay naki-simpatya sa kanya matapos siyang bantaan ni Digong na pilit siyang idinadawit sa operasyon ng ilegal na droga.

Pinangakuan din diumano siya ni Dela Rosa na tutulungan siya kung siya ay babalik sa Pilipinas.

Subalit nakatanggap muli si Mabilog ng tawag mula sa isang kaibigang heneral: “Mayor, do not return. Your life is in danger. The accusations against you are all fabricated.”

Inabisuhan pa diumano siya ng kanyang kaibigan na sirain ang kanyang cellphone at SIM card nito dahil naka-wiretap ang kanyang mga conversation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *