Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na may alok ang gobyerno na libreng sakay sa MRT-3 ang lahat ng National ID card holders sa limitadong oras tuwing Miyerkules sa buong buwan ng Agosto ng kasalukuyang taon.

“Kailanakailangan lamang magpakita ng National ID (physical ID o digital ID o ePhiID na naka-paper format),” ayon sa DOTr.

Sinabi ng ahensiya na ito ay bilang pakikiisa sa paggunita ng paglagda ng Republic Act no. 11055 o ang Philippine Identification System Act.

Isasagawa ang libreng sakay sa Agosto 5, 12, 19 at 26 mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

“Mayroon ding libreng sakay sa Setyembre 16, 2026 kasabay ng pagdiriwang ng Global Identity Day.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *