Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na nakapagsumite na si Sen. Robin Padilla ng kanyang counter-affidavit sa reklamong obstruction of justice kaugnay ng umano’y pagtulong sa pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado noong Mayo 14.
“Yes. Nag-file siya. We will see. This is being investigated by a pool of investigators,” ani Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.
Tumanggi namang magkomento si Remulla kaugnay sa nilalaman ng counter-affidavit nina Padilla at Sen. Alan Peter Cayetano kaugnay ng naturang insidente sa Senado noong Mayo.
“I don’t micromanage. But alam ko nag-file na sila so it’s going to be resolved by the people who were assigned to do it,” ani Remulla.
Matatandaang naunang sinabi ni Remulla na hindi nagsumite si Padilla ng counter-affidavit at aniya pinili nitong i-’ignore’ ang utos ng Ombudsman, bagay na mariing itinanggi ni Padilla.
