Sa kanyang pagtestigo sa House Quad Committee hearing ngayong Huwebes, Setyembre 19, tinanong ni Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel si dating Iloilo City mayor Jed Patrick Mabilog kung ano ang mga posibleng dahilan kung bakit siya pilit na inuugnay ng noon’y Pangulong Rodrigo Dutere sa illegal drugs.

“I made several attempts to see then President Duterte just to ask kung ano po talaga ang reason kung bakit po ako naisama sa listahan (ng drug protectors). Pero never ko po siya nakausap,” sabi ni Mabilog.

Bagamat aminadong walang solidong batayan, inisa-isa ni Mabilog ang mga posibleng dahilan kung bakit siya pinersonal diumano ni Digong na nahantong sa matinding pagbabanta sa kanyang buhay kaya ito ay nagtungo sa Estados Unidos noong Agosto 30, 2017.

  • Dahil siya ay second cousin ni dating Senador Franklin Drilon.
  • Nag-brownout sa kasagsagan ng rally ni Duterte sa Iloilo City noong kasagsagan ng presidential campaign noong 2022 na isinisisi sa Office of the City Mayor.
  • Nag-request si Digong na makipagkita kay Mabilog subalit ito ay nasa official trip sa Maynila.

Sinabi rin ni Mabilog na posibleng nagalit si Duterte sa kanya matapos lumitaw na kulelat ito sa resulta ng presidential elections sa Iloilo City.

“Again, these are only my presumption,” giit ni Mabilog.

Bumalik si Mabilog sa Pilipinas nitong Setyembre 10 at agad na nagpahayag ng kahadaan na tumestigo sa Kamara hinggil sa “drug war” ni Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *