Tanging sina Senators Loren Legarda at Robin Padilla ng minority bloc ni Sen. Alan Peter Cayetano ang sumipot sa all-senators caucus para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Biyernes, Hulyo 3.

Sa litratong ibinahagi ni Senate Majority Leader Migz Zubiri sa social media, makikitang dadalawa lang mula sa minority bloc ang pumunta sa ipinatawag na all-senators caucus ni Senate President Sherwin Gatchalian para sa pinal na paghahanda ng senator-judges ilang araw bago magsimula ang paglilitis kay VP Sara sa Lunes, Hulyo 6.

Bukod kina Gatchalian, Zubiri, Legarda, at Padilla, nasa caucus din sina Senate President Pro Tempore Tito Sotto at Senators Ping Lacson, JV Ejercito, Erwin Tulfo, Chiz Escudero, at Risa Hontiveros.

Mula sa minorya, bukod kay Cayetano ay wala rin sina Senators Pia Cayetano, Rodante Marcoleta, Bong Go, Imee Marcos, Mark at Camille Villar. Karamihan sa minority senators ay kaalyado ni VP Sara—kabilang sina Senators Jinggoy Estrada, na nakakulong; at Ronald ‘Bato’ dela Rosa, na nagtatago.

Samantala, hindi rin naman sumipot sa caucus mula sa majority bloc sina Senators Bam Aquino, Lito Lapid, Kiko Pangilinan, Raffy Tulfo, at Joel Villanueva.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *