Naniniwala si Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong na ginagamit ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pagharap sa mga tagasuporta ng kanyang ama na si Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands upang mapanatili ang kanyang political base para sa 2028 elections.
Ito ay matapos dumalo muli ni VP Sara sa isang “Free Duterte Now” rally sa labas ng International Criminal Court (ICC) kung saan nakakulong ang kanyang ama.
“Nagra-rally lang siya ng support talaga eh. That’s how we see it,” ani Adiong.
“Nagiging kampanya na siya in a way para ma-determine at saka ma-maintain niya ‘yung sinasabi niyang suporta sa kanyang mga nakukuhang mga grupo,” saad pa ni Adiong.
Samantala, kasabay ng pagpunta ni VP Sara sa The Hague ang pagtanggap ng Senate Impeachment Court sa mga dokumentong may kaugnayan sa alegasyon ng maling paggamit ng Bise Presidente sa ₱612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
