Sa isang Facebook post, diretsahang kinuwestiyon ng political analyst na si Jesus Falcis ang pagigiit ni Senator Pia Cayetano ng “accuracy” ni President Ferdinand Marcos Jr. sa totoong kalagayan ng public health sa bansa sa inilahad na Kontra-SONA (State of the Nation Address ng senador nitong Hulyo 28.
“Pia Cayetano in her Kontra-SONA demanded accuracy from PBBM’s SONA especially as to health issues. Napaka impokrita! Piyakin wants accuracy but she posted a spliced video of Cong. Chel Diokno’s oral arguments,” anang political analyst na si Jesus Falcis.
“I demand her accuracy too!”
Pinuna ni Falcis kung paanong katotohanan pa sa ilang detalye ng SONA ng Pangulo ang nagawang kuwestiyunin ni Cayetano gayung nitong weekend lang ay nag-viral ang “spliced” video na ni-repost mismo ng senador tampok ang edited na bahagi ng oral arguments ni House prosecutor at Akbayan Rep. Chel Diokno sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Hulyo 20.
Dahil edited, o hindi buo, ang video, naiba ang konteksto nito at nagmukhang “nagbabakasali lang” ang prosekusyon sa hiniling nitong ipa-subpoena ng Senate impeachment court ang financial at tax records ni VP Sara.
