Korapsyon ang nangungunang isyung nais ng mga Pilipino na talakayin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 27, ayon sa latest survey ng Pulse Asia.
Batay sa survey na isinagawa, na may 2,400 adult respondents, 29.8 porsiyento ang nagsabing nais nilang marinig ang mga hakbang ng administrasyon laban sa korapsyon. Sa 29.8 porsiyento, 18.9 porsiyento ang partikular na tumukoy sa usapin ng maanomalyang flood control projects.
Pumangalawa naman ang isyu ng abot-kayang presyo ng mga pangunahing bilihin, na binanggit ng 18.7 porsiyento ng mga respondent.
Sa Metro Manila (35%), Rest of Luzon (32.7%), at Mindanao (29.7%), nanatiling pangunahing isyu ang laban kontra korapsyon, habang sa Visayas, nanguna ang usapin ng abot-kayang presyo ng mga bilihin sa 22.7 porsiyento.
Kabilang din sa iba pang mga isyung nais marinig ng publiko sa SONA ang:
-Trabaho at kabuhayan (6.6%)
-Kahirapan (6.2%)
-Iligal na droga (5.5%)
-Mababang sahod (5.1%)
-Mataas na presyo ng langis (4.9%)
-Mga usaping pang-agrikultura (4.0%)
-Kriminalidad (2.8%)
-Kalagayan ng edukasyon (2.0%)
-Pagtupad sa mga pangako ng Pangulo (1.6%)
-Impeachment ni Vice President Sara -Duterte (1.2%)
-Juvenile justice (1.0%)
-Isyu sa liderato ng Senado (1.0%)
-Kapakanan ng mga senior citizen (1.0%)
