Naghain si Senator Risa Hontiveros ng panukala na magbibigay kapangyarihan sa pangulo ng bansa na magpatupad ng price cap sa singil sa kuryente kapag may idineklarang energy emergency.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2361, magbibigay ng agarang proteksiyon sa mga consumers laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng kuryente, lalo na sa panahon ng krisis at kalamidad.

Ayon kay Hontiveros, hindi dapat hayaang walang limitasyon ang pagtaas ng singil sa kuryente dahil malaking dagdag-pasanin ito sa mga pamilyang nahihirapan na sa gastusin sa pagkain, transportasyon, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Iminumungkahi ng panukala ang pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang payagan ang pangulo, sa rekomendasyon ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC), na magtakda ng pinakamataas na presyo ng kuryente sa mga lugar na nasa ilalim ng state of emergency o kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *