Target ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) ang pagbuo ng Olympic team na ipapadala sa Los Angeles para sa 2028 Olympics, kasama ang kapatid ni double Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Eldrew.
“LA Olympics? I’m going to have a team, not only Carlos Yulo. I want the whole team, Philippine team. With his brother as well. Carlos and Eldrew,” ayon kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion.
Ibinunyag ni Carrion ang naturang plano at umaasang muling matamo ng bansa ang mga karangalang nakamit ni Yulo, na nanguna sa floor exercise at vault finals sa 2024 Paris Olympics.
Itinuturing si Eldrew bilang isa sa mga batang aspirant na maaaring sumunod sa yapak ni Carlos. Si Eldrew ay nakapag-uwi ng maraming medalya sa iba’t ibang national events, kabilang ang anim na gintong medalya noong 2023 Palarong Pambansa.
Bukod kay Eldrew, isa pang Yulo ang gumagawa ng pangalan – ang kanilang bunsong kapatid na si Elaiza. Si Elaiza ay nagkaroon ng gold medal rush sa katatapos lang na Palarong Pambansa, kung saan nakakuha siya ng limang gintong medalya. (HT)