Nanalo ang World No. 4 player na si Jessica Pegula sa dikdikan na laban nila ni Filipina tennis star Alex Eala sa iskor na 7-6(3), 5-7, 6-3 sa 2025 Miami Open semifinals match na ginanap ngayong Biyernes, Marso 28.

Aminado ang American player na pinahirapan siya ni Eala, na kasalukuyang World No. 75 mula sa dating ranggo na No. 140, nang isulat niya sa lente ng isang camera na nagko-cover ng laban na “I am tired” sa pagtatapos ng laban.

Ito ay sa kabila ng injury na tinamo ng Pinay player sa kanyang left ankle nang matapilok sa second set ng semifinals game.

Bagama’t natalo si Eala sa semifinals game ay pinaulanan pa rin siya ng papuri ng mga kapwa niyang Pinoy na naging saksi sa katatapos lang na matinding laro ng atleta.

Hindi rin naging madali ang laro para kay Eala ngunit umalis siya sa kompetisyon ng nakataas ang noo at nagbigay ng pasasalamat para sa mga sumuporta sa kanya.

Bigo namang nakuha ni Eala ang first set (6(3)-7) ngunit nakabawi rin agad ang tennis star player sa second set (7-5) dahilan upang umusad ang laban sa third set na nagtapos nang tuluyang matalo si Eala sa dikdikang laban sa Miami Open.

Ulat ni Jilliane Libunao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *