Bagama’t natalo ang Filipina tennis star na si Alexandra Eala sa semifinals game ng 2025 Miami Open laban sa American WTA no. 4 na si Jessica Pegula, nagpakitang gilas pa rin ang tennis wild card sa kanyang huling game sa kompetisyon.
Ipinagdiriwang ng buong bayan ang naging “Cinderella run” ng Pinay tennis athlete matapos ang kanyang tatlong panalo laban sa Grand Slam champions na sina Iga Swiatek, Madison Keys, at Jelena Ostapenko sa 2025 World Tennis Association (WTA) Miami Open nang walang isang set na nilaglag.
Ngunit sa ginanap na semifinals game sa pagitan nina Alexandra at ng WTA rank no. 4 na si Jessica Pegula nitong Biyernes, Marso 28, tinuldukan na ni Jessica ang kanyang historic run matapos manalo ng 2-1 sets (6(3)-7, 7-5, 3-6).
Naging madikit ang labanan ng dalawang professional tennis players na nagpatunay sa kanilang antas ng galing sa nasabing sports.
Gayunpaman, sa kabila ng pagkatalo niya ay makikita pa rin ang ngiting tagumpay ni Alex na nagpapahiwatig sa kanyang malugod na pagtanggap sa nakuhang suporta mula sa sambayanan dahil sa nakamit na career feats sa larangan ng tennis.
(Photo courtesy of Jimmie48 Photography)
Ulat ni Jilliane Libunao