Nakatakdang tumanggap ng ₱20 milyon ang Filipino gymnast na si Carlos Yulo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) habang gagantimpalaan din ang kanyang coach na si Aldrin Castaneda ay mabibiyayaan ng P10 milyon.
Sa ilalim ng Republic Act 10699, ang Olympic gold medalists ay tatanggap ng ₱10 milyon, at ang kanilang mga coach ay makakatanggap ng 50 porsiyentong insentibo mula sa cash gift para sa kanilang alagang atleta.
Ang mga silver medalist sa Olympics ay tatanggap ng ₱5 milyon, at ang mga bronze medalist ay tatanggap ng ₱2 milyon.
Ibig sabihin, malaki rin ang matatanggap ng coach ni Yulo na si Castaneda matapos tulungan ang Filipino gymnast na manalo ng dalawang gintong medalya sa Paris 2024 Olympics.
“As provided by law, for the gold medalist, PAGCOR is mandated to give an athlete who wins gold ₱10-M. Since may dalawang golds siya, magkakaroon si Mr. Yulo ng ₱20-M,” ani PAGCOR chairman Alejandro Tengco sa budget hearing nitong Martes, Agosto 6 sa House of Representatives.
Ulat ni Benedict Avenido