Nag-enjoy si two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, sa gondola cruise sa Venice Grand Canal Mall sa Taguig City ngayong Miyerkules, Agosto 14, bago ang turnover ceremony para sa kanyang P32-million three-bedroom condo unit na insentibo mula sa Megaworld.
Ipinagkaloob ng Megaworld kay Carlos ang isang three-bedroom condo unit sa Venice Grand Canal Mall, Taguig City, kasama ang ₱3 milyong cash na gantimpala matapos masungkit ang dalawang gintong medalya mula sa gymnastics event sa 2024 Paris Olympics.
Ibinibida ng property developer na Megaworld ang ipinagkaloob nitong insentibo kay Filipino gymnast Carlos Yulo na fully furnished three-bedroom condo na nagkakahalaga ng ₱32 million sa McKinley Hill sa Taguig City.
Ang condo unit ay isa sa mga insentibong natanggap ni Carlos Yulo matapos niyang mapanalunan ang dalawang Olympic gold medal mula sa gymnastics event sa 2024 Paris Olympics.
Ang 100-square-meter na condo unit ay kumpleto sa mga appliances tulad ng refrigerator, microwave oven, four-burner cooktop na may oven, washing at drying machine, apat na smart television at isang game console.
Ang unit ay may dalawang balkonaheng maaaring ma-access sa sala at master’s bedroom at may magandang tanawin ng township at ng iba pang property.
Kabilang sa mga natatanging piraso na nagpapalamuti sa sala ay isang custom-made nesting coffee table na may replika ng gintong medalya sa Paris Olympic Games.
Matatandaan na inanunsyo ng property giant Megaworld Corp. noong Agosto 5 ang pag-upgrade sa insentibong ipagkakaloob ng kumpanya sa champion gymnast matapos niyang makuha ang ikalawang gintong medalya sa Olympics.