Nilinaw ni Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara na hindi maaari ang iminumungkahi ng iba na kanselahin na lang ng kagawaran ang pagbabalik-eskuwela ngayong Lunes, Hulyo 19, sinabing 53 class days na ang nawala sa mga estudyante noong 2023 at “we don’t want a repeat of the learning loss.”
Sa isang X post nitong Hulyo 25, ibinunyag ni Angara na 53 sa 180 araw sa buong school year 2023-2024 ay hindi nagklase ang mga mag-aaral dahil sa iba’t ibang dahilan, natukoy sa pag-aaral ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), kung saan komisyuner ang kalihim.
“For those asking: why not cancel opening of classes for everyone- last year students missed up to 53 class days out of the 180 day school year (@edcom2ph) we should take advantage of every day to learn because we don’t want a repeat of the learning loss wc has alrdy occurred,” post ni Angara.
Kaugnay nito, mahigit 800 eskuwelahan ang hindi nagbalik-eskuwela ngayong Lunes, piniling ipagpaliban ang pasukan habang tinatapos ang clearing operations sa pinsalang natamo ng mga ito sa pananalasa ng bagyong ‘Carina’ nitong Hulyo 24.