Mahigit 312 paaralan o tinatayang 1,800 silid-aralan ang nasira dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Uwan’ sa Luzon, batay sa ulat ng Department of Education (DepEd).
Ayon sa situation report ng DepEd nitong Lunes, Nobyembre 10, tinatayang nasa 1,182 silid-aralan ang bahagyang nasira, 366 ang malubhang pinsala, at 261 ang tuluyang nasira.
Dagdag ng DepEd, pinakamataas ang bilang ng naitalang pinsala sa silid-aralan ang mga rehiyon ng Bicol, Calabarzon, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Samantala, tiniyak ni Education Secretary Sonny Angara na inuuna ng ahensya ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kaguruan para maipagpatuloy na ang pag-aaral sakaling ligtas na ang sitwasyon.
Nagtakda na rin ng DepEd ng P20.2 milyon para sa clearing operations, at ₱57.9 milyon para sa minor repairs ng mga paaralan sa bansa na nawasak ng bagyo.
Ulat ni Julian Katrina Bartolome
