Bilang bahagi ng pagtugon sa kakulangan ng 165,000 silid-aralan sa bansa, idinaos ng Department of Education (DepEd) ang kauna-unahang Classroom Summit sa Pampanga nitong Huwebes, Nobyembre 20.

Sa Classroom Summit ng DepEd, sinuri ang mga prototype na silid aralan at tinalakay ang kapasidad para sa konstruksyon bilang paghahanda sa malaking infrastructure rollout ng ahensya sa 2026.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ang pag-accredit ng mga contractor, paggawa ng mas matibay at climate-resilient designs, mga option sa pagpopondo, at tamang implementasyon ng kontrata.

Ayon naman kay Education Secretary Sonny Angara, layunin ng nasabing summit na baguhin na ang mga lumang sistema at pagtibayin ang education agenda ng administrasyong Marcos Jr.

Ulat ni Julian Katrina Bartolome