Dalawamput isang katao ang nasawi sa pananalasa ng Super typhoon ‘Carina’ at southwest monsoon o Habagat sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.
Ito ay batay sa pinagsama-samang ulat ng Philippine National Police (PNP). Sa Calabarzon, 11 ang nasawi kabilang ang lima mula sa Batangas at tig-tatlo sa Cavite at Rizal.
Karamihan sa mga nasawi ay dahil sa pagkalunod, landslides, electrocution at nabagsakan ng puno. Isa rin ang iniulat na nawawala sa Cavite at anim ang nasugatan sa Rizal.
Sa Central Luzon, tatlo ang nasawi kabilang ang dalawang natabunan ng landslide sa Angeles City, Pampanga at isa sa Bustos, Bulacan. Tatlo rin ang naiulat na nasugatan sa Rehiyon.
Sa Metro Manila, pito ang naiulat na patay kabilang dito ang dalawa mula sa Maynila, tig-isa mula sa Malabon, Valenzuela , San Juan, Mandaluyong, Manila at Pasay. Ang mga biktima ay nasawi sa pagkakalunod at pagkakakuryente.
Walo naman ang naiulat na nasugatan sa Quezon City. Samantala, sa ulat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 14 lamang ang naitalang patay sa pananalasa ng Habagat at ‘Carina.’
Ulat ni Beth Camia