Ayon sa pricipal sponsor ng panukalang batas na si Senador Francis Tolentino, maitatakda na kung hanggang saan puwede maglayag at mangisda ang Pinoy fishermen sa territorial waters ng bansa.
Malinaw na diumano ang maritime boundary at territorial rights ng Pilipinas dulot ng pagpasa ng bicameral conference committee ng Kongreso at Senado sa Maritime Zones Bill nitong Miyerkules, Hulyo 17.
Dinagdag pa ni Tolentino na isinama sa final version ang Palawan at Philippine Rise. “Ni-reconcile natin yung internal waters at saka archipelagic waters, which is legal and technical,” aniya.
Matatandaan na nabanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore visit kamakailan na kailangang maipasa ang batas.
Kabilang ang Department of Foreign Affairs at Department of Energy sa mga ahensiyang nanawagan sa nagsusulong sa panukalang batas.
Matatandaan na kinatigan ng Hague-based arbitration court ang 200-mile exclusive economic zone (EEZ) ng bansa na sakop ang West Philippine Sea at iba pang bahagi ng territorial waters nito.
Ulat ni Edgardo Tugade