Napatunayan muli ang bisa ng stem cell transplant bilang remedyo sa HIV nang gumaling ang isang 60-taong Aleman, napag-alaman noong Huwebes, Hulyo 19.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN, pampitong taong gumaling sa HIV ang Aleman, na tinaguriang the “next Berlin patient,” nguni’t hindi pinangalanan.
Iniulat na bagama’t masakit, ang nasabing procedure ay ginagawa sa mga pasyenteng may HIV at leukemia, nguni’t hindi lahat ng may HIV ay sumasailalim dito.
Inanunsyo ang paggaling ng Aleman bago ang 25th International AIDS Conference na gaganapin sa Munich sa isang linggo.
Ang Aleman ay na-diagnose na may HIV noong 2009 at isinailalim sa bone marrow transplant noong 2015. Epektibong pinalitan ng transplant ang immune system ng pasyente. Sa huling bahagi ng 2018, gumamit naman siya ng retroviral drugs upang alisin ang HIV sa kanyang dugo.
Matapos ang anim na taon, idineklara siyang HIV- and cancer-free.
Ang unang Berlin patient, si Timothy Ray Brown, ay gumaling sa HIV noong 2008 subali’t namatay sa kanser noong 2020.
Ulat ni Edgardo Tugade