Todo papuri si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal at tauhan ng 11th Infantry Division ng Philippine Army na tumutulong sa pagpapababa sa banta ng ASG at iba pang rebelde sa mga lugar Mindanao na kanilang nasasakupan..
“I have to congratulate all of you who have worked to achieve this success, who have worked very hard and have made many sacrifices so that we can now say that the capabilities of the main threat, which is the ASG, have been severely reduced,” sinabi ni Marcos sa kanyang pagbisita sa Jolo, Sulu noong Sabado, Hulyo 6.
“Now, that does not mean that the mission is over. As you can imagine, mayroon pa diyan na papasok na baka gustong mag-organize ulit kaya’t kailangan pa rin nating bantayan,” sinabi ni Marcos.
Ayon sa Pangulo, siya nakatatanggap ng ulat tungkol sa pagbabawas ng puwersa, kapabilidad, dami ng tauhan at armas ng Abu Sayyaf at iba pang mga rebelde na malaking tulong sap ag-usad ng ekonomiya sa rehiyon nitong mga nakaraang taon.
“Ang assessment na nga ay ‘yung threat is only from individual actors. Wala na silang units na gumagalaw as a unit. They are….basically (neutralized)…We have dismantled their machinery for causing, for bringing terror,” dinagdag ni Marcos.
“We also spoke briefly about the continuing threat of outside terrorist groups coming in, ‘yung mga Al-Qaeda inspired, ‘yung mga ISIS-inspired na dating nakikita nating pumapasok ditto ay mukha naming hindi na …tayo masyadong nate-threaten tungkol sa ganyang klase,” sinabi pa ni Pangulo.
Sinabi niya na mas papaigtingin ng AFP ang external defense dahil sa mga rehiyonal na pagbabanta dulot ng kasalukuyang isyu na bumabagabag sa West Philippine Sea (WPS).
Ipinahayag ni Pangulong Marcos na magkakaroon din ng task force sa PNP Maritime Group at Philippine Navy para mapalakas ang presensiya ng Philippine Coast Guard at pulisya sa WPS.
Ulat ni T. Gecolea