Pinangunahan nina Kai Sotto at Justin Brownlee ng isang magandang kombinasyon nang magtala ang Gilas Pilipinas ng 89-80 panalo laban sa world no. 6 Latvia sa 2024 FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Riga, Latvia, ngayong Huwebes, Hulyo 4, ng madaling araw.

Nag-umpisa ang Gilas Pilipinas na may 8-0 na score at nanatili ang kalamangan hanggang sa 26 points sa kanilang tagumpay laban sa No. 6 FIBA World Ranking, Latvia.

Si Brownlee ay muntik makakuha ng triple-double na may 26 points, 9 rebounds, 9 assists, 1 steal, at 1 block. Si Sotto ay nagpakitang-gilas na may 18 points, 8 rebounds, 1 assist, at 1 block.

Nasa magandang posisyon na ang Pilipinas sa 1-0 sa Group A ngunit kailangan pa ring manalo kontra Georgia mamayang alas-8:30 ng gabi upang makapasok sa semifinals. Tanging ang mananalo sa OQT ang makakakuha ng tiket sa Paris Olympics.

Ayon sa FIBA, ito ang unang panalo ng Pilipinas laban sa isang European team mula 1960, nang talunin ng mga Pinoy cagers ang Spain, 84-82, sa Rome Olympics.

Ulat ni April Steven D. Nueva España