No-show si Vice President Sara Duterte noong Linggo, Hulyo 9, sa opening ceremony ng ika-64 na Palarong Pambansa sa Cebu City Sports Center dahil mas pinili niyang bisitahin ang mga student-athletes na naospital dahil sa iba’t ibang sakit.

Sinabi ni Duterte sa Facebook post nitong Miyerkules, Hulyo 10 na nasa Cebu City Medical Center ang mga student-athletes, coach, at trainer, na nagmula sa iba’t ibang rehiyon.

“Marami sa kanila ang nanghihinayang na hindi sila makadalo sa Opening Ceremony kaya minabuti natin na bisitahin at dalhin sa kanila ang diwa ng Palarong Pambansa,” aniya.

Tiniyak ng VP Sara, na tumatayong kalihim pa rin ng Department of Education (DepEd) hanggang Hulyo 19, na ganap na nakahanda ang komite ng Palarong Pambansa na magbigay ng immediate medical assistance sa mga atleta, coach, guro, at lahat ng tauhan.

Ulat ni Benedict Avenido

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *