Tiniyak ng mga opisyal ng Philippine Embassy sa Athens, Greece sa pangunguna ni Ambassador Giovanni Palec na magpapatuloy ang paghahanap sa isang Pinoy seafarer na naiulat na nawawala matapos ang pag-atake ng Houthi rebels sa bulk carrier MV Tutor na kanilang sinasakyan.
“The Philippine Embassy in Athens under Ambassador Giovanni Palec met with the MV Tutor’s shipping principal, who informed Ambassador Palec that search operations for our missing seafarer shall be undertaken as soon as the ship is taken to a safe port,” ayon sa statement ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Martes, Hunyo 18.
Ito ay matapos dumating sa Pilipinas noong Lunes, Hunyo 17, ang 21 seafarers na nakaligtas sa missile attack ng Houthi rebels.
Lumitaw sa report na nagtamo ng malaking pinsala ang MV Tutor dahilan upang ito ay pasukin ng tubig kaya inabandona ito ng mga tripulante.
Sinabi rin ng DMW na kinukumpirma pa nito ang mga ulat na patay na ang nawawalang tripulanteng Pinoy.
“Meanwhile, we remain hopeful and are in touch with the family of the seafarer,” sabi ng DMW.
Ulat ni T. Gecolea