Ayon sa Department of Health (DOH), nitong Huwebes, Hunyo 13, ang kakulangan ng healthcare workers sa Pilipinas ay isang malaking balakid para mapabilang ang mga Pinoy sa healthiest people sa Asia sa taong 2040.

“We see this as a major roadblock kaya po siya priority i-address. Kasi we can have all of these plans and even budget, but if you don’t have the people that will be implementing this, mahihirapan po talaga tayo,” ayon kay Dr. Adriel Pizarra ng DOH Health Policy Development and Planning Bureau.

Sinabi ni Dr. Adriel Pizarra, na maraming programa ang pamahalaan na nais nitong ipatupad upang makamit ang pangmatagalang layunin nito sa larangan ng kalusugan.

Gayunpaman, walang sapat na mga nurse, doktor at iba pang healthcare workers sa bansa upang maisakatuparan ang mga ito.

Ang migration ng Filipino healthcare workers, partikular na ang mga nurse, para sa mas magandang suweldong trabaho sa ibang bansa ay nananatiling isang hamon para sa gobyerno.