Sinibak si Brig. Gen. Aligre Martinez bilang regional director ng Philippine National Police (PNP) sa Davao Region ngayong Biyernes, Hunyo 14.
Sinabi ng source na nag-isyu ang Philippine National Police (PNP) headquarters ang Special Order No. NHQ-50-URA-2024-5363, na may petsang Huwebes, ika-13 ng Hunyo, na nagbigay daan sa pagsibak kay Martinez at iba pang opisyal ng PNP.
“The following individuals are relieved from their current assignments and reassigned to the Police Holding and Accounting Office (PHAO), Directorate for Personnel and Records Management (DPRM), effective June 14, 2024. Travel via the shortest route by land, water, and/or air transportation is authorized,” nakasaad sa naturang direktiba.
Papalitan ni Brig. Gen. Nicolas Deloso Torre si Martinez bilang hepe ng PNP Regional Office 9. Samantala, si Martinez ay pansamantalang itinalaga sa Police Holding and Accounting Unit (PHAU) sa ilalim ng DPRM.
Ibinunyag ng source na ang pagkakasibak kay Martinez ay posibleng konektado sa pagsalakay na isinagawa ng pulisya noong ika-10 ng Hunyo sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City upang ihain ang arrest warrant laban sa puganteng founder nito na si Apollo Quiboloy.
Ulat ni Benedict Avenido